Mga kabataang atleta mula Miriam College High School, pambato ng Quezon City sa 2025 NCR meet!

Nag-courtesy call kay Mayor Joy Belmonte ang mga atleta mula Miriam College High School na magiging kinatawan ng lungsod sa gaganapin na NCR meet sa Marso.

Kabilang sa mga bumisita sa alkalde ang mga manlalaro ng Futsal, Lawn Tennis, Archery, Swimming, at Taekwondo.

Ipinahayag nina Mayor Joy, Education Affairs Unit Chief Maricris Veloso, at QC Sports Action Officer Benjamin Afuang ang suporta ng lungsod sa kanilang kampanya tungo sa Palarong Pambansa 2025.

+10