Mainit na tinanggap ng pamahalaang lungsod ang mga miyembro ng American Council of Young Political Leaders (ACYPL)!

Quezon City ang isa sa mga lokal na pamahalaan na napili ng National Movement of Young Legislators (NMYL) na mabisita ng mga ACYPL para ibahagi ang iba-ibang programa at serbisyo na nagsusulong ng good governance, youth engagement, civil rights, at women’s rights.

Sa kanilang pagdating sa Quezon City Hall, malugod silang sinalubong nina Mayor Joy Belmonte at Majority Floor Leader Coun. Dorothy Delarmente, kasama sina Coun. Chuckie Antonio, Coun. Anton Reyes, Coun. Dave Valmocina, Coun. Wency Lagumbay, Coun. Mari Rodriguez, at City Administrator Mike Alimurung.

Bago magtungo sa QC Hall, pumunta muna ang ACYPL sa Quezon City Female Dormitory.

+24