Nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte sa pamunuan ng Philippine Tuberculosis Society Inc. (PTSI) upang mas mapaigting pa ang mga programa kontra TB.
Sa pakikipagtulungan sa PTSI, mas dadami na ang mga QCitizen na maiaa-assess at matutukoy kung mayroon silang TB o iba pang respiratory diseases.
Suportado rin ng lokal na pamahalaan ang planong pagbababa ng TB program sa mga komunidad, sa tulong ng Ultraportable X-ray na gagamitan ng Artificial Intelligence (AI).
Kasama rin ni Mayor Joy sa pulong sina QC Health Department OIC Dr. Ramona Abarquez, Dr. Dave Vergara, Dr. Marizel Wong, at PTSI President Camilo Roa Jr.




