Nag-courtesy call kay Mayor Joy Belmonte ang 11 licensed engineers na bahagi ng batch 2 ng QC Engineering Cadetship program.

Sa loob ng anim na buwan na cadetship program, ipinapakita sa mga inhinyero ang mga responsibilidad at ginagawa ng mga city engineer para tiyakin na matibay at ligtas ang bawat gusali at pasilidad ng lokal na pamahalaan.

Binanggit ni Mayor Joy sa mga engineer na bukas ang lokal na pamahalaan sa kanilang mga kumento at suhesyon lalo na sa pagpapabuti sa mga proyekto para sa mga QCitizen.

+3