Sinalubong ni Mayor Joy Belmonte si Republic of Argentina Ambassador to the Philippines His Excellency Ricardo Luis Bocalandro sa kanyang pagbisita sa Quezon City Hall ngayong umaga.

Pinag-usapan nina Mayor Joy at H.E. Bocalandro ang ilang mga programa ng lungsod, kabilang ang digitalization ng mga proseso ng lungsod at mga proyekto ng QC para pangangalaga sa kalikasan.

Kasama rin ni Mayor Joy sa pulong sina Councilor Irene Belmonte, Embassy Secretary and Consul Mauricio German Munoz, Climate Change and Environmental Sustainability Department Head Andrea Villaroman, Investment Affairs Office Chief Jay Gatmaitan, Youth Development Office Head Lyn Dividina, at C40 Cities Adviser for Quezon City Kessica Bersamin.

Nakatakdang magpunta si Mayor Joy kasama ang Team QC sa Buenos Aires para sa darating na C40 Cities summit, kung saan isa ang Quezon City sa mga finalist ng C40 Cities Bloomberg Philanthropies Awards.