Nag-courtesy call ang Vespa Pilipinas kay Mayor Joy Belmonte ngayong araw.
Tinalakay nila ang maaaring proyekto ng organisasyon para sa mga mamamamayan ng lungsod, katulad ng pagpapatupad ng mga polisiya sa kalsada, pagnenegosyo at mga programa na naaayon sa learning recovery ng lungsod.
Nagkaroon din ng coordination meeting kasama ang Public Affairs and Information Services Department (PAISD), Department of Public Order and Safety (DPOS) at Traffic and Transport Management Department (TTMD) para sa gaganapin na Quezon City Vespa Club Grand Assembly sa September 17, 2023.