Ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte ang iba-ibang programa ng lokal na pamahalaan sa pagbibigay ng katiyakan sa paninirahan sa mga QCitizen, nang bumisita sa city hall ang mga kinatawan ng Provincial Government of Camarines Norte.

Tinalakay ni Mayor Joy at ng QC Housing Community Development and Resettlement Department (QCHCDRD) ang mga istratehiya ng lungsod sa pabahay tulad ng pagsisiguro ng relocation ng mga residenteng nasa danger zone at iba-ibang programa tulad CMP at Direct Sale.