QC GOV’T GOES TO AGSUR!
Nag-courtesy call si Mayor Joy Belmonte at mga miyembro ng Quezon City Council sa mga opisyal ng lalawigan ng Agusan del Sur na pinangungunahan nina Gov. Santiago Cane Jr. at Vice Gov. Patricia Anne Plaza.
Sa pulong, ipinahayag ni Mayor Joy ang paghanga sa maayos at mahusay na pag-host ng provincial government sa #2026PalarongPambansa.
Nakiisa sa courtesy call sina Majority Floor Leader Coun. Aly Medalla, Minority Floor Leader Coun. Dorothy Delarmente, Coun. TJ Calalay, Coun. Bernard Herrera, Coun. Charm Ferrer, Coun. Tope Liquigan, Coun. Chuckie Antonio, Coun. Migs Suntay, Coun. Ellie Juan, Coun. Sami Neri, Chief of Staff Rowena Macatao, at department heads ng pamahalaang lungsod.
Kasama rin sa mga tumanggap sa delegasyon ng Quezon City sina Cong. Eddiebong Plaza at Cong. Alfelito Bascug.
Magkasamang binisita ng mga lingkod-bayan ng dalawang lokal na pamahalaan ang Datu Lipus Makapandong DO Plaza Sports Complex kung saan isinigawa ang iba-ibang sporting events ng Palaro.










