Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nag-courtesy call si Mayor Joy Belmonte kay Melbourne Lord Mayor Nicholas Reece sa ikalawang araw ng kanyang pagdalo sa City Hub and Network for Gender Equity (CHANGE) Global Summit 2026 sa Australia.
Sa kanilang bilateral meeting, ibinahagi ni Mayor Joy ang mga inisyatiba ng Lungsod Quezon upang tugunan ang mga suliraning dulot ng pagbabago ng klima o climate change. Kabilang dito ang Enhanced Local Climate Change Action Plan ng QC, at ang aktibong pakikilahok ng lungsod sa C40 Cities na nagsusulong ng climate justice at sustainable community.










