Para bigyang solusyon ang problema ukol sa child labor at child exploitation ng Quezon City, tinalakay ng World Vision ang Project Against Child Exploitation o Project ACE sa kanilang courtesy call kay Mayor Joy Belmonte ngayong araw.

Inisa-isa rin ng lokal na pamahalaan ang mga programa nito para sa pagpoprotekta sa mga kabataan mula sa child exploitation tulad ng Task Force Sampaguita, Bahay Kalinga, at Bahay Kanlungan.

Ang World Vision ay isa sa mga Non-Governmental Organization sa bansa na layong tugunan ang mga isyung kinakaharap ng mga kabataan.

Ang pakikipagtulungan sa mga NGO ay isang hakbang ng LGU upang mas maging tagumpay ang layunin nitong sagipin ang mga kabataan sa mga mapang-abusong grupo o gawain.

May be an image of 8 people and people studying
May be an image of 12 people, people studying, table, lighting and newsroom
May be an image of 12 people, hospital and text
May be an image of 13 people and text
May be an image of 2 people and text
May be an image of 8 people and people studying

May be an image of 12 people, hospital and text
May be an image of 13 people and text