Malugod na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte si Director General Gilbert F. Houngbo ng International Labour Organization sa kanyang pagbisita gayong araw sa Quezon City Hall.
Tinalakay sa interactive dialogue kasama ang mga QCitizen OFWs ang iba’t ibang issue na kanilang kinakaharap lalo na sa kanilang employment.
Ibinahagi rin ni Mayor Joy ang mga programa ng QC para sa migrant workers at pamilya nila tulad ng pagtatatag ng QC Migrant Resource Center, e-Habilin Program, at mga orientation para sa OFWs.
Pinangunahan ni Public Employment Service Office head Rogelio Reyes ang tour sa QC Migrant Resource Center. Kasunod nito ay pinuntahan din nila ang QC Joy of Urban Farming (JOUF) Demo Farm sa pangunguna ni JOUF head Tina Perez.