Proud ang Quezon City Government sa mga estudyante ng Lucresia Kasilag Senior High School na nagpunyagi sa kani-kanilang larangan sa performing arts.

Pinasalamatan ni Mayor Joy Belmonte ang mga alumni ng paaralan, na nagsisilbing inspirasyon ng mga kasulukyang estudyante ng Lucresia Kasilag SHS na magpursige para makamit ang kanilang pangarap.

Kasama ng mga mag-aaral sa kanilang pagbisita sa Quezon City Hall kaninang umaga sina Education Affairs Unit Chief Maricris Veloso at Lucresia Kasilag SHS OIC Principal Erlinda Amparo.

+6