Ipinahayag ng Amaia Series Novaliches ang pasasalamat nila sa lokal na pamahalaan, sa kanilang pagbisita sa QC Hall ngayong hapon.
Binigyang-diin ni Mayor Joy Belmonte na handang makinig ang lungsod sa mga suhestyon at rekomendasyon ng HOA.
Magsasagawa rin ang pamahalaang lungsod ng social services caravan sa kanilang lugar para mas mailapit sa mga residente ang mga programa at serbisyo ng city government.
Magkakaroon din ng libreng anti-rabies vaccine para sa mga furbabies ng mga QCitizen sa Amaia.
Kasama rin sa meeting sina Amaia Series Novaliches President Engr. Richard Concepcion, City Veterinarian Dr. Ana Maria Cabel, at District 5 Action Officer William Bawag.