Bumisita sa Quezon City Hall si Ambassador of Israel to the Philippines Her Excellency Dana Kursh ngayong umaga.
Pinag-usapan nina Mayor Joy Belmonte at HE Kursh kung paano mas mapapaunlad ang start-up ecosystem ng lungsod, at mga issue katulad ng cybersecurity at paano makakatulong ang agri-technology sa pagpapalawig ng food security sa lungsod.
Iminumungkahi rin ang pagtatayo ng Philippine-Israel Friendship Park sa Quezon Memorial Circle na magiging simbolo ng pagkilala ng Israel Government sa kabaitang ipinakita ng Pilipinas sa mga Jews noong Holocaust. Noong 1934, binuksan ni dating Pangulong Manuel Luis Quezon ang bansa para sagipin ang mahigit 1,300 Jewish refugees mula sa mga Nazi.
Bukas naman ang lokal na pamahalaan na makipagtulungan sa embahada, para sa pagsasagawa ng mga proyektong magbibigay ng karagdagang oportunidad sa mga mamamayan.
Kasama ni Mayor Joy na sumalubong kay HE Kursh sina Local Economic Development and Investmemt Promotions Office Head Jay Gatmaitan, QC Tourism Department OIC Giana Aira Barata, at External Affairs Officer Tetta Tirona.








