Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Welcome to QC, H.E. Wilkowiecka! ![]()
Nag-courtesy visit kay Mayor Joy Belmonte si Ambassador of Poland to the Philippines Her Excellency Katarzyna Wilkowiecka bilang bahagi ng pagsusulong ng mas matibay na ugnayan ng Poland at Quezon City.
Sa kanilang pulong, tinalakay ang pag-unlad ng Poland sa information technology bilang isa sa mga nangungunang IT hubs sa Central at Eastern Europe.
Napag-usapan din ang mga oportunidad para sa sustainability, education at cultural exchange, gayundin ang iba pang posibleng larangan ng pakikipagtulungan.
Layunin ng pag-uusap na mapalawak ang knowledge-sharing at people-to-people exchanges sa pagitan ng Poland at Quezon City.










