Malugod na sinalubong ni Mayor Joy Belmonte si Swiss Ambassador to the Philippines His Excellency Dr. Nicolas Brühl sa kanyang pagbisita sa Quezon City Hall ngayong umaga.
Ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte ang iba-ibang proyekto ng lungsod para sa mga QCitizen.
Ibinida rin niya ang QCitizen ID na unified identification ng lungsod, na ginagamit din para mabilis at maayos na maihatid sa mga residente ang mga programa tulad ng livelihood assistance, at scholarship.
Kasunod ay pumunta sila sa QC Female Dormitory, kung saan ipinakita kay Amb. Brühl ang mga bags at sustainable products na gawa ng mga person deprived of liberty (PDLs).
Kasama rin ni Mayor Joy at Amb. Brühl sina QC Female Dormitory Jail Warden JCInsp. Lourvina Abrazado, SPARK! Philippines Executive Director Maica Teves, Designer and Social Entrepreneur Zarah Juan, at External Relations Officer Tetta Tirona.