Iba-ibang inisyatibo sa pagsusulong ng good governance at paglago ng mga negosyo sa lungsod ang ibinahagi ng Quezon City Government samga opisyal ng American Chamber of Commerce of the Philippines.
Binanggit ni Mayor Joy Belmonte kay AmCham Philippines Executive Director Ebb Hinchliffe na bawat sentimo ng budget ng lungsod ay masinop na inilalaan sa mga programa. Tinitiyak din ng lungsod na naaabot ng mga serbisyo ang bawat QCitizen.
Ipinaliwanag naman nina City Administrator Mike Alimurung, Business Permits and Licensing Department Head Margie Santos, at Local Economic and Investment Promotions Office Chief Jay Gatmaitan kung paano hinihikayat ng QC ang mga negosyo na mag-invest pa sa lungsod.
Tinalakay din ng Team QC ang iba pang programa ng lokal na pamahalaan tulad ng pag-transition sa electric fleet, learning recovery program, at QCinema.