Malugod na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte si Argentina Ambassador to the Philippines HE Ricardo Luis Bocalandro sa kanyang pagbisita sa Quezon City Hall ngayong hapon.
Masaya ang naging kwentuhan nina HE Bocalandro at ng alkalde. Simula nang maitalaga si HE Bocalandro bilang Argentine Republic Ambassador to the Philippines noong 2022, mahigpit nang nakikipagtulungan ang embahada sa Quezon City.