PAGBATI, QUEZON CITY UNIVERSITY!
Nag-courtesy visit kay Mayor Joy Belmonte sina Arizona State University (ASU) Executive Director Joel Dupuis at Mirshariff Tillah ng USAID Ph upang talakayin ang ipatutupad na Transformation Accelerator Program sa Quezon City University (QCU).
Kasama ang QCU sa napiling 12 unibersidad mula sa 96 na mga eskwelahan na lumahok sa bansa.
Layon ng programang ito na mapalawak pa ang QCU project na Green Curriculum: Enhancing Urban Agriculture and Environmental Responsibility through Higher Education (EARtH).
Ito ay sa pamamagitan ng pagdagdag ng environmental awareness sa mga kursong engineering, information technology, social sciences, at education.
Dumalo sa pulong sina City Administrator Mike Alimurung, QCU President Dr. Theresita V. Atienza, mga kinatawan ng ASU at USAID Ph.