Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nagcourtesy visit kay Mayor Joy Belmonte si Australian Ambassador to the Philippines Marc Innes-Brown bilang bahagi ng patuloy na ugnayan sa pagitan ng Australia at Quezon City.
Sa kanilang pulong, inimbitahan ng embahada ang alkalde sa pagdiriwang ng Philippines-Australia Friendship Day sa darating na Mayo 22, isang selebrasyon ng samahan at kooperasyon ng dalawang bansa.
Tinalakay rin ang mga posibleng kolaborasyon sa iba-ibang programa ng pamahalaan upang mapabuti ang serbisyo at oportunidad para sa mga QCitizen.








