Bumisita kay Mayor Joy Belmonte ang mga kinatawan ng Australian Political Exchange Council (APEC) – Philippine Center of Young Leaders (PCYL) kabilang si District 3 Councilor Chuckie Antonio.
Tinalakay ng alkalde ang good governance practices na pinaiiral ng pamahalaang lungsod at mga programa sa climate change mitigation, edukasyon, at livelihood.
Nakiisa sa pulong ang APEC-PCYL young leaders na sina Mr. Michael Pettersson MLA, Mr. James Griffin MP, Mr. Paul Mills, Ms. Elysse Halliday, Mr. Connor Costello, Mr. Norman Cualteros, at Ms. Liza Castaneda.