Malugod na sinalubong ni Mayor Joy Belmonte ang pagdating ni Austrian Ambassador His Excellency Johann Brieger sa Quezon City Hall ngayong umaga.

Ibinahagi ng alkalde kay HE Brieger ang iba-ibang innovation ng pamahalaang lungsod para maghatid ng serbisyo sa mga QCitizen kabilang ang digitalization, paglu-lunsad ng QC E-Services at QCitizen ID, at pagtatag ng action offices sa bawat distrito.

Ipinaliwanag din ni Mayor Joy ang mga hakbang ng QC para mabawasan ang basura sa lungsod, kabilang ang Trash to Cashback program, Kuha sa Tingi, at iba pa na naka-angkla sa Enhanced Local Climate Change Action Plan.

Handa ang Quezon City at Austria na magtulungan para sa ikauunlad pa ng lungsod at mga residente.

Kasama ni Mayor Joy sa pulong sina City Administrator Mike Alimurung, Assistant City Administrator Atty. Rene Grapilon, at City Tourism Department OIC Tetta Tirona.

+15