Bumisita sa Quezon City Hall ang mga opisyal ng Balanga City, Bataan para alamin kung paano binuo ng QC ang Calorie-labeling policy.
Mainit na tinanggap nina Mayor Joy Belmonte, Coun. Irene Belmonte, Coun. Aly Medalla, at QC Health Department (QCHD) OIC Dr. Ramona Abarquez ang delegasyon ng Balanga City, sa pangunguna nina Coun. Christian Manalaysay, Coun. Jowee Zabala, at kanilang Health Officer na si Dr. Mariano Antonio Banzon.
Ipinaliwanag ng QCHD kung bakit binuo ng lungsod ang polisiya, habang tinalakay naman nina Coun. Belmonte at Coun. Medalla ang naging proseso ng paggawa ng ordinansa at kung paano isinaalang-alang ng Sangguniang Panlungsod ang mga suhestyon ng mga residente.