Binigyang-solusyon ng lokal na pamahalaan ang ilan sa mga problema na kinakaharap ng mga QCitizen sa Barangay Quirino 2-A.
Nagpasalamat si Quirino-2A Chairperson Marian Garlit kay Mayor Joy Belmonte dahil sa suporta ng lungsod sa komunidad, kabilang na ang pagsasaayos ng kanilang drainage system.
Nangako rin ang alkalde na aalalay pa rin ang QC Government lalo na sa paglalagay ng karagdagang streetlights at pagtatayo ng Material Recovery Facility.




