Bumisita kay Mayor Joy Belmonte ang C40 Cities Climate Action Implementation team sa pangunguna ni Huey Yee Yoong, head of Implementation for Southeast Asia, sa Quezon City (QC) Hall ngayong araw.
Tinalakay sa pulong ang gaganaping Regional Academy na gagawin sa lungsod ngayong taon.
Layon ng 5-day program ang iba-ibang learning sessions para sa mga alkalde at delegado mula sa mga lungsod sa Southeast Asia, Africa, at Latin America.
Mula 2015, QC lang ang tanging lungsod sa Pilipinas na miyembro ng C40 Cities.




