Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Malugod na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang mga kinatawan mula sa Center for Migrants Advocacy, kasama ang Kaagapay OFW Resource and Service Center at Bangsamoro Ministry of Labor and Employment, sa kanilang courtesy visit.
Pinangunahan ni Ellene Sana ng Center for Migrant Advocacy kasama ang delegasyon mula sa BARMM na naglalayong mag-benchmark ng best practices ng QC Migrants Resource Center sa ilalim ng QC Public Employment Service Office.
Patuloy ang Lungsod Quezon sa pagbabahagi ng mga makabuluhang programa para sa kapakanan at proteksyon ng mga migrante.






