Nagcourtesy-visit kay Mayor Joy Belmonte si CityNet Chief Executive Director Mr. Jeong-kee Kim upang talakayin ang mga programa ng QC at mas mapalawak pa ang mga ito.
Inanyayahan ni Mr. Kim ang alkalde upang maging bahagi ng programa ng CityNet na gaganapin sa China, kung saan magbabahagi ang iba-ibang lungsod ng kanilang best practices.
Sa pulong ay tinalakay din ni Disaster and Risk Reduction Management Office OIC Bianca Perez at Climate Change and Environmental Sustainability Department (CCESD) head Andrea Villaroman ang mga proyekto para sa kalikasan at kapaligiran.