Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nag-courtesy call kay Mayor Joy Belmonte ang bagong Chief Executive Officer ng CityNet Secretariat na si Mr. Jae-bok Chang kahapon.
Ipinahayag ni Chang na handa ang CityNet na sumuporta sa lungsod sa pagpapalakas ng mga inisyatibo para sa kalikasan at urban development.
Quezon City rin ang magiging host ng gaganaping CityNet Climate Leadership Program sa susunod na taon.
Kamakailan lang, wagi ang “Joy is a farm” program ng Quezon City University bilang 2nd Place Overall – Top 3 Winner at Breakthrough Innovation of the Year Awardee ng CityNet SDG Awards na ginanap sa Indonesia.





