Bumisita kay Mayor Joy Belmonte ang bagong Commission on Audit-Quezon City Supervising Auditor na si Mr. Nick Zamoras.
Pormal siyang ipinakilala ni dating COA-QC Supervising Auditor Mr. Joseph Perez, na ngayo’y nasa COA-Pasay City na.
Si Zamoras ang magiging katuwang ng lungsod sa pagsisiguro na malinis, tapat at naaayon sa proseso ang paghawak sa kaban ng bayan.
Kasama ni Mayor Joy na sumalubong kay Zamoras si Internal Audit Service Head Atty. Noel Gascon.




