Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Malugod na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte si Coun. Benjie Abalos III ng Mandaluyong City kahapon.
Si Coun. Abalos ay National President ng Philippine Councilors League (PCL), habang si Coun. Wency Lagumbay naman ang namumuno sa QC PCL.
Nagsilbing panauhing pandangal si Coun. Abalos sa ginanap na flag raising ceremony nitong Martes.
Kasabay nito, ipinagdiriwang ngayong unang linggo ng Setyembre ang Philippine Councilors’ Week.
Maraming inihandang mga programa at serbisyo ang ating mga konsehal sa pagdiriwang ng Philippine Councilors’ Week.







