Ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte kay Czech Republic Ambassador to the Philippines His Excellency Karel Hejč ang iba-ibang programa ng lungsod para sa mga QCitizen.
Kabilang sa mga binanggit ng alkalde ang mga programa sa pangangalaga sa kalikasan, good governance, digitalization, at kung paano isinusulong ng lungsod ang equality at inclusivity.
Sa kanyang pagbisita sa Quezon City Hall ngayong umaga, ipinahayag ni HE Hejč na handang makipagtulungan ang kanilang bansa para mas mapaunlad pa ang mga inisyatibo ng QC lalo na para sa sektor ng mga kabataan, kababaihan, at LGBTQIA+, at pagsusulong ng karapatang pantao at malayang komunidad.