Malugod na sinalubong ni Mayor Joy Belmonte at Team QC ang pagdating ni Daly City, California Vice Mayor Jusyln Manalo sa Quezon City.
Ibinahagi ng alkalde kay Daly City Vice Mayor Manalo ang iba-ibang programa ng lungsod, at kung paano mas naisusulong ang good governance sa QC.
Noong Hulyo, nag-renew ng sister-city agreement ang QC at Daly City upang mas mapalakas ang ugnayan ng dalawang lungsod na nagsimula pa noong 1994.
Kasama ni Mayor Joy Belmonte na sumalubong kay Daly City Vice Mayor Manalo sina Coun. Marra Suntay, City Administrator Mike Alimurung, at City Planning Development Department Head Arch. Pedro Rodriguez.




