Bumisita sa Quezon City Hall ang mga delegado mula sa Local Government Executives and Managers Class ng Development Academy of the Philippines (DAP). Ito ay bahagi ng kanilang short course tungkol sa Local Fiscal Administration and Management.
Nagsilbing speaker si City Administrator Michael Alimurung at ibinahagi niya ang innovative finance governance ng Quezon City.
Tinalakay naman ni Business Permits and Licensing Department head Ms. Margie Mejia ang mga hakbang ng Quezon City Government para sa automation at digitalization ng iba-ibang serbisyo at proseso sa lungsod. Kabilang na dito ang QC Pay Easy, QC eServices Kiosks 2.0, QC Biz Easy, QC online Business Registration System at Automated Document Delivery System.
Kabilang sa mga dumalo sina Valencia, Bohol Mayor Dionisio Neil Balite, Biliran Mayor Myra Cabrales, Hingyon, Ifugao Mayor Florencio Nalula at mga government employees mula sa iba-ibang lungsod at munisipalidad sa bansa.