Mainit na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte si Danish Ambassador to the Philippines H. E. Franz-Michael Skjold Mellbin sa QC Hall ngayong araw.
Bilang isa sa mga lungsod na prayoridad ang environmental programs, tinalakay ni Mayor Joy ang iba-ibang mga climate change mitigation initiatives ng QC tulad ng waste to energy project, pagpapatupad ng plastic ban ordinance, air quality management plan, solarization ng public facilities, pagdagdag ng green spaces at parks, development ng Payatas Controlled Disposal Facility, at pagpapalaganap ng alternative transportation.
Nakiisa sa pagpupulong sina Majority Floor Leader Coun. Doray Delarmente, City Administrator Michael Alimurung, Asst. City Administrator for Operations Alberto Kimpo, Climate Change and Environmental Sustainability Department head Andrea Villaroman, Sustainable Development Affairs Unit head Emmanuel Velasco, Investment Affairs Office head Jay Gatmaitan, at City Tourism Department OIC Maria Teresa Tirona.
Bukas naman sa pakikipagtulungan ang QC Government sa Denmark at mga lungsod nito sa mga programang pang-kalikasan, teknolohiya, at matutunan ang mga good governance practices.