Magtutulungan ang Quezon City Government at ang Department of Agriculture – Bureau of Plant Industry para mas maisulong ang urban agriculture sa lungsod.
Kahapon, nakipagpulong ang BPI kay Mayor Joy Belmonte para ipakilala ang mga programa ng ahensya, partikular ang National Urban and Peri-Urban Agriculture Program (DA-NUPAP).
Layon ng NUPAP na mapabuti pa ang urban agriculture sa lungsod, sa pamamagitan ng paglalaan ng karagdagang programa.
Maglalatag ng mga proyekto sa Sunnyville farm, para mapaunlad pa ito, partikular sa mushroom production. Tutulong din ang DA para maging PhilGAP certified ang Sunnyville.
Kasama ni Mayor Joy sa pulong sina Ms Tina Perez ng Joy of Urban Farming, mga kinatawan ng DA-BPI at NUPAP, at mga urban farms sa lungsod.








