Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Bumisita si Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo J. Cacdac kasama ang iba pang opisyal ng DMW kay Mayor Joy Belmonte upang talakayin ang mga programa para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang mga pamilya.
Kasabay nito, ginanap ngayong araw ang OFW Global Summit 2026 na naglalayong palakasin ang suporta at serbisyo para sa mga OFW sa iba’t ibang panig ng mundo.
Patuloy na nakikiisa ang Quezon City sa mga programa at inisyatibong naglalayong mapabuti ang kapakanan ng mga Pilipinong manggagawa sa ibang bansa.








