Mainit na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang mga productivity specialists mula sa Canada, Indonesia, Malaysia, Vietnam, at Korea sa pakikipagtulungan ng Development Academy of Philippines (DAP) para sa kanilang benchmarking activity sa pamahalaang lungsod.
Nagsagawa ng site visit ang mga delegates upang pag-aralan ang best practices ng QC sa pagpapatupad ng contactless Business Permits and Licensing System at kung paano ito nakatutulong sa productivity ng mga kawani.
Nakiisa sina Business Permits and Licensing Department head Ms. Margie Santos at DAP VP Imelda C. Caluen sa benchmarking activity.