Nakipagpulong ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Budget Management (DBM) sa Quezon City Government para sa pagpapatupad ng Open Government Partnership (OGP) sa lungsod.

Sa pamamagitan ng OGP, mas mapapalakas ang ugnayan ng pamahalaan at civil society organization. Maisusulong din ang transparency at innovation para sa pagpapabilis ng mga proseso.

Dumalo sa meeting sina Mayor Joy Belmonte, DBM Asec. Rolando Toledo, DILG-NCR Assistant Regional Director Ana Lyn Baltazar-Cortez, at City Administrator Mike Alimurung.

+6