Nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte kay Department of Health – Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) Regional Director Rio Magpantay upang pag-usapan kung paano pa mapapaunlad ng QC at DOH ang mga serbisyong medikal para sa mga QCitizen.
Kinilala ni RD Magpantay ang QC lalo na sa Epidemiology and Surveillance program nito, na mahalaga ang naging papel noong kasagsagan ng pandemya.
Pinuri rin niya ang health and promotions initiatives ng lungsod lalo na sa social media.