Mainit na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang pagbisita ni Washington Global Institute President Dr. Tahir Shad sa Quezon City Hall kahapon.

Sa kanilang pulong kasama si De La Salle-College of Saint Benilde School of Diplomacy and Governance Dean Dr. Gary Dionisio, target ng lungsod at WGI na magsagawa ng benchmarking activity para sa Sangguniang Kabataan officials.

Noong May 2024, bumisita ang mga QC barangay chairperson sa Washington, D.C. para matuto ng kanilang mga programa at polisiya para maitaguyod ang good governance sa siyudad.