Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Bumisita kay Mayor Joy Belmonte si Enzo Jake Delmo na nakatanggap ng 2-year scholarship mula sa United World College (UWC) upang mag-aral ng International Baccalaureate Diploma Program sa India.
Dating estudyante ng Commonwealth High School si Delmo at isa siya sa mga mapalad na estudyante sa bansa na napiling maging scholar.
Makikipagtulungan ang lokal na pamahalaan sa UWC upang marami pang QCitizen students ang makatanggap ng scholarship grants.
Dumalo sa pulong sina Education Affairs Unit head Maricris Veloso, Pamela Yatco Ang ng UWC Philippines, at mga scholars ng UWC.








