Mainit na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang mga dumalaw na kinatawan mula sa European Union (EU), International Labour Organization (ILO) at QC Migration and Development Council.

Bahagi ito ng kanilang leader’s assembly kasama ang mga QC Overseas Filipino Workers and Family Circle (OFC) at iba pang migrant groups na ginanap ngayong araw sa Quezon Memorial Circle.

Pinangunahan ang assembly ng Public Employment Service (PESO) sa pamumuno ni Rogelio Reyes at Rex Marlo Varona ng ILO.

Nakiisa naman sina Mr. Mario Ronconi, Head of Unit for South Asia and South-East Asia at Mr. Christoph Wagner ng EU Department for International partnerships.

Ibinahagi ni Mayor Joy ang mga programa ng QC ukol sa migration tulad ng pagtatatag ng QC Migrant Resource Center at iba pa upang mapangalagaan ang OFWs at kanilang pamilya.