Bumisita sa Quezon City Hall ang mga opisyal ng Ministry of Labour, Employment, and Social Security (MoLESS) ng Federal Government of Nepal upang alamin ang best practices ng lungsod para sa mga migrant.

Ang Quezon City ay mayroong Migrant Resource Center, isang one-stop-shop ng lahat ng mga serbisyo para sa mga OFW.

Sa kanyang mensahe, binanggit ni Mayor Joy Belmonte na tinitiyak ng lungsod ang kapakanan ng mga OFW at kanilang pamilya.

Dumalo rin sa benchmarking activity ang mga kinatawan mula sa Center for Migrant Advocacy Philippines at Bohol PESO.

+15