Bumisita sa QC Hall ang mga opisyal ng Foodpanda Philippines kahapon.
Nais ng Foodpanda na palawigin pa ang partnership sa lokal na pamahalaan para mas maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga QCitizen, partikular ng mga small at micro business owner.
Noong kasagsagan ng pandemya, bumuo ang QC at foodpanda ng mga livelihood program gaya ng pandaTODA na nagbigay ng oportunidad sa 500 tricycle driver, at pandaBIZikleta na nagbigay naman ng pagkakakitaan sa 200 displaced workers para maging delivery riders.
Kasama ni Mayor Joy Belmonte sa pulong ngayong umaga sina Small Business Cooperatives Development and Promotions Office (SBCDPO) Mona Yap at mga kinatawan ng Foodpanda na sina Mr. Lew Lopez, Ms Chin Nethercott, Ms Claudine Talaran, at Ms Patricia Jacinto.







