Bumisita sa tanggapan ni Mayor Joy Belmonte si former Senator Kiko Pangilinan kasama ang National Movement for Young Legislators (NMYL) members ng QC Council.
Nagsilbing founding president ang dating senador noong siya ay nagsilbing konsehal sa lungsod noong 1988.
Kabilang din sa NMYL ang ilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod tulad nina Majority Floor Leader Doray Delarmente, Councilors Bernard Herrera, Charm Ferrer, Candy Medina, Dave Valmocina, Chuckie Antonio, Wency Lagumbay, Anton Reyes, Irene Belmonte, Egay Yap, Doc Ellie Juan, Kristine Matias, at Sami Neri.