Malugod na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte si German Ambassador to the Philippines, His Excellency Dr. Andreas Michael Pfaffernoschke sa kanyang muling pagbisita sa Quezon City Hall.
Tinalakay sa kanilang pulong ang iba-ibang programa ng pamahalaang lungsod at mga possibleng partnership sa German Embassy. Kasama rin sa pulong si QC External Relations Officer Ms. Ma. Teresa Tirona.
Ang Quezon City Government ay nakikiisa at katuwang ng German Embassy sa kanilang mga adbokasiya upang maitaguyod ang mas matibay na ugnayan.




