Mainit na tinanggap ng lokal na pamahalaan ang pagdating nina Grameen Foundation CEO Ms. Zubaida Bai, Mr. Chad Kineer at Ms. Sheila Conti mula sa US Embassy in the Philippines.
Ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte ang iba-ibang programa ng lungsod para maitaas ang antas ng kabuhayan ng mga kababaihan, tulad ng No Women Left Behind, POP QC, at pagtatatag ng mga community cooperative.
Binanggit din ng alkalde ang adbokasiya ng lungsod sa pagsusulong ng good governance, at pagiging bahagi ng QC sa Open Government Partnership (OGP) na nagsusulong ng transparency, accountability, at people’s participation sa pamamahala.
Bukod kina Mayor Joy, dumalo sa meeting sina Grameen Foundation Regional Director, Asia and Pacific Ms. Christine Violago, Coun. Aly Medalla, Small Business Cooperatives Development and Promotions Office (SBCDPO) Head Mona Yap, City External Relations Officer Ma. Teresa Tirona, at Education Affairs Unit Chief Maricris Veloso.




