Welcome to Quezon City, Guam Legislature member Senator Shelly V. Calvo!
Mainit na tinanggap ng lokal na pamahalaan at ng Sangguniang Panlungsod ang pagdating ni 38th Guam Legislature member Sen. Shelly Calvo sa Quezon City ngayong hapon.
Ipinaliwanag nina Mayor Joy Belmonte at City Council Majority Floor Leader Coun. Dorothy Delarmente ang iba-ibang programa ng lungsod lalo na ang tungkol sa mga kababaihan at environment protection.
Ipinahayag naman ni Sen. Shelly na handa ang kanyang tanggapan na makipagtulungan sa lungsod para palakasin pa ang ugnayan ng Guam at Quezon City.
Si Sen. Shelly ay isang businesswoman, philanthropist, at community leader. Siya rin ang kauna-unahang Filipino-American woman mula Guam na na-nominate para maging US Ambassador to the Philippines.