Malugod na tinanggap ng lokal na pamahalaan ng Quezon City si Smiljana Knez, Ambassador ng Slovenia sa Pilipinas, sa kanyang pagbisita sa Quezon City Hall.
Tinalakay sa kanilang pulong ni Mayor Joy Belmonte ang pagpapalakas ng ugnayan sa pribadong sektor, pagpapatibay ng climate resiliency, at paghikayat ng investment para sa sustainability initiatives.
Ipinahayag din ni Ambassador Knez ang kagustuhang makilala ng mga Pilipino ang kultura ng Slovenia bilang bahagi ng pagpapalakas ng ugnayan ng dalawang bansa.
Nakiisa sa courtesy visit sina Local Economic Development and Investment Promotions Office Head Jay Gatmaitan, QC Sports Action Officer Robbie De Vera, Climate Change and Environmental Sustainability Department Head Andrea Valentine A. Villaroman, at QC External Relations Officer Tetta Tirona.










