QCitizen Olympian!
Personal na binisita si Mayor Joy Belmonte ng homegrown Olympian na si Samantha Catantan sa City Hall.
Matapos ang 32 taon, muling makakasampa ang bansa sa Olympic stage sa larong Fencing dahil sa pagkapanalo ni Samantha. Nanguna siya sa women’s foil category ng Asia-Oceania Zonal Olympic Qualifier sa Fujairah, United Arab Emirates nitong Abril.
Kasama ni Samantha sa pagbisita sa alkalde sina Councilor Joseph Juico ng QC Sep Fencing na gumabay kay Samantha, Barangay and Community Relations Department head Ricky Corpuz, Coach Amat Canlas, at kanyang pamilya.
Hangad ng lokal na pamahalaan ang iyong tagumpay sa darating na Paris Olympics 2024!